Estudyante Blues: Profile on Eunice S.

Marami ang nasasabik sa pagdating nang kanilang petisyon at makapunta na dito sa America, ngunit meron ding ilan na nagdadalwang puso sa kanilang pag-alis. Naiisip ang buhay na kanilang iiwanan, mga matagal nang kaibigan, mga luhong nakasanayan, at tapos biglang parang halman na binunot sa pinag-ugatan upang magsimulang muli sa panibagong lupa.